50

Oct 24, 2018 @ 16:07
By

Letran coach Napa sa mga Pirata: Humanda na kayo!

Kapos noong isang taon sa Final Four, todo sa paghahanda ngayon ang Letran Knights.

Unang salang sa semifinals ni Letran head coach Jeff Napa kaya lahat umano ay gagawin niya upang makuha ang korona ng NCAA Season 94.

“Oo nga eh first time, last year medyo bitin. Ngayon at least kahit papano hindi na bitin. Talagang siguradong pumasok kami sa playoff. Pero hindi naman ito ‘yung main goal namin eh,” wika ni Napa.

Sa Biyernes na magsisimula ang Game 1 ng semifinals at makakaharap nila ang Lyceum Pirates na bitbit ang twice-to-beat advantage.

Magiging exciting aniya ang magiging laro nila kontra Lyceum at hahayaan aniya nila ang kalaban na isipin kung ano’ng gagawin nila.

“We will take care of ourselves bago namin sila problemahin. Basta ‘yung approach namin maging maganda then we will go out – all out para mabigyan namin sila ng magandang laban at para maglaro pa kami ng Monday,” dagdag niya.

“Kaya ready lang ‘yung Lyceum kung anong gagawin namin.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?