57

Jan 1, 2018 @ 14:32
By

“Less bloody” ang war on drugs ngayong 2018 – PNP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na magiging “less bloody” at “more transparent” ang giyera laban sa ilegal na droga ngayong taon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PNP spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos na magiging mas transparent ang tinaguriang “war on drugs” dahil pagsusuotin nan g body camera ang mga operatiba na sasabak sa anti-drug operations.

Matatandaan na inobliga na ang mga pulis sa anti-drug operations na magsuot ng body camera dahil sa mga reklamo na hindi napatay ang mga drug suspect sa police operations kundi sa summary executions.

Nanawagan naman si Carlos sa publiko na pagtuunan ang magagandang ginagawa ng pambansang pulisya at ang matatagumpay nitong operasyon laban sa mga krimen sa halip na ang mga kontrobersiya rito.

Sa kontrobersyal na Oplan Tokhang ng PNP, ang nasentruhan lang aniya nitong nakalipas na taong 2017 ay ang mga kontrobersya at maliliit na insidente samantalang libo-libo ang napasuko at maraming nailigtas mula sa mga krimen na maaring nagawa ng mga nagbebenta at gumagamit ng ilegal na droga.

“We hope the people will see that the efforts of the PNP really is to reach out and offer opportunity for them,” pahayag ni Carlos. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?