17

Jan 11, 2022 @ 15:52
By

Leopard namatay dahil sa Covid

Isang 11-taong gulang na snow leopard ang namatay matapos nitong magpakita ng sintomas ng COVID-19 sa Illinois, United States.

Ang leopard ay namamalagi sa Miller Park Zoo sa Bloomington.

Sa Instagram post ng nasabing zoo, ipinaalam nito na binawian na ng buhay ang snow leopard na si Rilu.

“Rilu, an 11-year-old Snow Leopard jas died at the Miller Park Zoo after struggling with COVID-19-induced pneumonia,” pahayag ng zoo sa Instagram.

https://www.instagram.com/millerparkzoo/p/CYZ28pKMhPz/?utm_medium=copy_link

Mula nang dumating si Rilu sa zoo noong 2011, nakagawa na ito ng pitong supling, na siyang naging dahilan kaya kinilala ang zoo bilang isa sa nangungunang institusyon sa mundo sa paggawa ng snow leopard cubs.

Dagdag pa ng pamahalaan ng zoo, may ilang hayop rin ang nagpositibo sa COVID-19 at nasa pangangalaga na ng mga veterinarian.

Samantala, dahil dito ay pansamantala munang isasara ang naturang pasyalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?