29
kawhi
Jan 2, 2019 @ 17:10
By

Leonard, Siakam sumungkit ng career-high, pinadapa ang Utah

45 puntos ang ibinuhos ng All-star forward na si Kawhi Leonard para makatakas ang Toronto Raptors kontra sa Utah Jazz, 122-116 nitong Miyerkoles sa Pilipinas.

Nakatuwang niya si center Pascal Siakam na may career-high na 28 puntos at 10 rebounds, maging si Norman Powell ay kumonekta ng season-high 14 points para makha ng Toronto ang kanilang ikaapat na sunod na panalo sa balwarte.

Anim na mintis lang ang nakuha ni Leonard, 16-o-22 sa field, dagdag pa ang 13 na pasok sa free-throw line.

Samantala, tumigpas din ng career-high 30 points si Jae Crowder para sa Utah ngunit hindi ito naging sapat para sa panalo.

Tumulong sina Derrick Favors na may 21 at Donovan Mitchell na may 19.

Sa kalagitnaan ng laro umalagwa si Kawhi, hindi napigilan sa third quarter na kumamada ng 19 puntos, walang mintis sa pitong tira at pasok din ang lima sa charity stripe.

Pangalawa ang Raptors sa Eastern Conference na may 28 wins-11 losses record, samantalang pang-11 naman ang Western Conference na may 18-20 kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?