78

Jun 24, 2018 @ 19:50
By

Leonard hindi pakakawalan ng Spurs

NAGKITA raw sina San Antonio Spurs coach Gregg Popovich at star Kawhi Leonard sa San Diego noong Martes.

Ayon sa USA Today, mukhang desidido ang Spurs na mapanatili sa team si Leonard, pero kung walang mangyayari ay iti-trade nila ito sa isang team sa Eastern Conference.

“The Spurs are determined to either fix the situation or trade Leonard to an Eastern Conference team,” ani Sam Amick ng USA Today.

“For teams other than the Lakers, the threat of losing Leonard in free agency next summer makes the prospect of offering meaningful assets a complicated, calculated risk.”

Philadelphia at Boston ang lumulutang na may package na ihahain para makuha si Leonard. May assets na puwedeng isugal ang Sixers at Celtics, pareho pang nangangailangan ng matikas na wing player tulad ni Leonard.

Naka-siyam na laro lang si Leonard noong nakaraang season, nanamlay ang relasyon nila ng San Antonio dahil hindi nagustuhan ng two-time Defensive Player of the Year ang ginawang pagtutok sa kanyang quadriceps injury. May dalawang taon pa siyang kontrata sa Spurs, pero may player option sa 2019-20. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?