89

Jul 7, 2019 @ 9:58
By

Leonard, George, Westbrook ‘Big 3’ sa Toronto napurnada

Muntik nang makabuo ng All-Star powerhouse team ang Toronto Raptors, ngunit kinulang sa piyesang pamalit.

Ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN matapos pumutok ang pag-sign ni Kawhi Leonard sa Clippers, at paglipat naman ni Paul George sa parehong koponan, napaulat naman na bago ito mangyari ay in-offer na pala ng Oklahoma City Thunder ang last year’s MVP contender sa Raptors.

Hiling ng OKC ay si 2019 NBA Most Improved Player Pascal Siakam kasama ang bulto ng draft picks.

Ngunit ayaw pakawalan ng Raptors ang maraming picks maging si Siakam, sumubok pa ang Oklahoma na sinama na rin si Russell Westbrook sa package.

Hindi pa rin natinag ang Toronto.

Entra ang Los Angeles Clippers, pinamigay ang record breaking na first round picks sa Oklahoma: apat na unprotected, isang protected, at dalawang pick swap.

Bukod pa rito, sahog din ang promising guard na si Shai Gilgeous-Alexander at veteran forward Danilo Gallinari.

“In the end, Toronto didn’t have assets to satisfy OKC — with or without Siakam in any proposed deal. The fear of Toronto entering into trade talks with OKC only proved to guarantee the Clippers would go the distance with five first-round picks and SGA in deal for George,” ayon kay Wojnarowski.

Ang pagkukulang ng Toronto, nagbunga ng bagong power duo sa Western Conference sa Clippers, na ayon sa betting odds ay namumurong magkampeon sa parating na season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?