19

Jun 5, 2021 @ 9:31
By

Leon dedo sa COVID

Patay sa coronavirus disease ang isang 9-anyos na leon sa isang zoo sa Chennai, India.

Ayon sa Port Lincoln Times report, isang babaeng leon ang pumanaw na nagngangalang “Neela”.

“A nine-year-old lioness Neela succumbed to the disease on the evening of 3rd June,” pahayag ng Arignar Anna Zoological Park.

Mayroong iba’t ibang mga kaso ng coronavirus sa mga hayop, kabilang ang dalawang puting tiger cub na hinihinalang namatay sa COVID-19 sa karatig Pakistan at mga leon na positibo rin sa Spain at sa dalawa pang lungsod ng India.

Unang naobserbahan ang outbreak noong Huwebes, kung saan karamihan sa mga leon ay asymptomatic.

Naka-quarantine na ang mga leon at binigyan ng antibiotics. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,