22

By

Leo Najorda nagsalpak ng 5 tres sa fourth canto

Sharing is caring!

Kinolekta ng Davao Occidental Tigers ang ika-13 panalo matapos kaldagin ang Pasig Pirates 88-82 Miyerkoles ng gabi sa umiinit pang Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup Marist Gymnasium sa Marikina City.

Pang-11 dikit na panalo ito ng Tigers upang sementuhan ang kapit sa top spot sa Southern Division tangan ang 13-3 na win-loss record.

Pero hindi naging madali ang panalo sa Davao. Sa unang minuto ng fourth quarter, nagawa pang makalamang ng siyam na puntos ng Pasig sa tulong ng lay-up ni Jerwin Gaco.

Bumalikwas ang Davao sa tulong ng mainit na mga kamay ni ex-pro Leo Najorda na nagsalpak ng limang tres sa payoff period.

Rumehistro si Najorda ng 17 puntos, limang rebounds at dalawang assists habang umayuda naman ng 18 puntos para sa tropa si Mark Yee.

Samantala, patuloy naman ang paglubog ng Pasig sa liga na nalasap ang ika-13 nitong talo sa 15 laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }