24

By

Lente, umapela sa Kamara na huwag i-postpone ang Barangay, SK polls

Sharing is caring!

Isang mainam na pagkakataon ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections para sa pagpasok ng mga bagong dugo at mukha sa pulitika.

Ito ang tinukoy ng Legal Network for Truthtful Elections (LENTE) bilang isa sa mga dahilan kung bakit sila nananawagan na matuloy ang eleksyon pang-barangay sa Mayo.

Sa isang statement, tinukoy ng LENTE na kung sakali, sa Mayo matutunghayan ang pagpapatupad ng SK Reform Law na probisyon laban sa pamamayagpag ng political dynasty.

Dahil dito, umaapela ang LENTE sa Kamara na hayaan gumulong ang pagbabago sa politika sa pamamagitan ng Barangay at SK Elections.

Sa ilalim kasi ng Republic Act 10742 o Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, ipinagbabawal na kumandidato ang mga may kamag-anak ng hanggang second degree of consanguinity na kasalukuyang nanunungkulan bilang halal na opisyal sa lugar kung saan nagbabalak ang kandidato na tumakbo.

Ibig sabihin, bawal na kumandidato ang mga anak at pamangkin ng mga kasalukuyang halal na opisyal.

“It is time for new blood to be part of our political structure and this is where the role of SK elections and youth representation becomes important. Congress should let the Barangay and SK Elections push through this May to pave the way for a welcome change in our elections and local leadership,” saad ng statement.

Dagdag pa ng grupo, ang pagpapaliban sa nasabing botohan sa ikatlong pagkakataon ay taliwas sa panuntunan ng regular na eleksyon na isa sa pangunahing sandigan ng demokrasya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?