172

Oct 26, 2021 @ 18:20
By

Leni sa vote buying: Tanggapin pera pero iboto ang nasa konsiyensiya

Pinayuhan ni Vice President Leni Robredo ang mga Pilipino na kapag binili ang kanilang boto ay kunin ang pera pero iboto pa rin ang gusto nitong kandidato.

Sinabi ito ni Robredo nang hingan ng payo ng isang grupo ng mga kasambahay tungkol sa vote buying.

“Lagi kong sinasabi, tanggapin n’yo kasi galing sa inyo ‘yan. Pera ‘yan ng taumbayan. Pero iboto mo kung ano ang nasa konsiyensiya mo,” pahayag niya.

“Pakiramdam nila, may utang na loob sila kasi tinanggap nila ang pera, pero hindi. Kapag namimili ng boto at iyong resulta ng eleksiyon ay talo siya, mag-iisip na ‘yun na hindi effective ang pagbili ng boto,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?