78

Mar 3, 2021 @ 14:09
By

Leni pinalagan fake news ng mga basher

Pinabulaanan ni Vice President Leni Robredo na siya ang babaeng binabakunahan sa litratong pinakalat ng mga tagasuporta ng gobyernong Duterte sa social media.

Sa Facebook, nilakip ng Bise ang screenshots ng mga posts at tweets kung saan may babaeng tinuturukan ng COVID-19 vaccine habang nakababa ang manggas ng damit nito.

Giniit ng mga kritiko ng VP na si Robredo ang binabakunahan sa larawan.

“This is ridiculously funny. Hindi po ako ‘yan,” saad ni Robredo sa kanyang personal FB account, Martes ng gabi.

“Ayoko na sanang patulan pero ang daming nagpapadala ng mga screenshots,” dagdag niya.

Pinunto naman sa FB page ng Bise na “ang nasa larawan ay si Dr. Flordeliza Grana, isa sa mga medical frontliners na unang nabakunahan sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City.”

“May slit ang manggas ng blouse ng doktora, kaya naman hindi na kinailangang itaas pa nang turukan ng bakuna.”

“Muli naming binibigyang-diin ang kahalagahan ng tama at makabuluhang impormasyon sa panahong ito. Huwag basta-bastang mag-assume. Maging mapagmatyag at mapanuri sa mga nababasa sa social media, at i-report ang mga nagpapakalat ng kasinungalingan,” banggit pa sa abiso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?