921
leni-robredo
By

Leni naitsa-puwera sa Bonifacio Day celebration

Sharing is caring!

Mistulang na-out of place si Vice President Leni Robredo sa selebrasyon ng Bonifacio Day kanina sa Monumento, Caloocan City dahil hindi ito pinaakyat sa entablado.

Agad na dumepensa naman si Presidential Spokesman Harry Roque at sinabing may opisyal na kinatawan si Pangulong Rodrigo Duterte sa nabanggit na okasyon.

Hindi nakadalo kahapon ang Pangulo at humalili sa kanya si Defense Secretary Delfin Lorenzana na siyang nag-alay ng bulaklak kasama si Mayor Oscar Malapitan sa rebulto ni Bonifacio.

“May official representative si Pangulong Duterte” ang maikling sagot ni Roque.

Batay sa orihinal na schedule, si Roque sana ang dadalo at maging kinatawan ni Pangulong Duterte, subalit napuyat ito dahil late na nakabalik ng Metro Manila mula sa biyahe sa Sual, Pangasinan noong Miyerkules.

Kasama ang kalihim na dumalo sa send-off ceremony sa limang mangingisdang Vietnamese pabalik ng sa kanilang bansa.

Walang inilabas na official schedule ang Pangulo sa selebrasyon ng Bonifacio Day. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?