815

Oct 26, 2021 @ 21:22
By

Leni isiniwalat kung bakit galit kay BBM

Ipinaliwanag ni Vice President Leni Robredo kung bakit galit siya kay dating senador Bongbong Marcos at nangangamba sa posibleng pagbabalik ng pamilya nito sa kapangyarihan.

Aniya, dahil ito sa pagnanakaw ng mga Marcos sa kaban ng bansa noong panahon ng Martial Law.

“Sa akin, tingin ko hindi dapat tayo nagagalit sa tao eh. Ang dapat nagagalit tayo sa ginagawa,” lahad ni Robredo sa isang virtual meeting.

Naging instrumento rin aniya si BBM para maharang ang mga kaso na magpupuwersa sa pamilya nito na buksan ang mga bank account, at tinanggihang bayaran ang mga biktima ng Martial Law.

Patuloy din aniyang itinatanggi ni Bongbong na nagnakaw ang pamilya niya sa bansa pero batay aniya sa mga record ay mahigit $10 billion ang naibulsa ng mga Marcos.

“Kami kasing mga public officials meron kaming obligasyon. Ang obligasyon namin maging malinis ang aming panunungkulan, na kapag hindi namin iyon nagawa dapat ang tao magalit sa ginagawa namin,” saad ni Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?