294

Oct 8, 2021 @ 14:50
By

Leni isiniwalat dahilan ng pagsusuot ng pink

Sinabi ni Vice President Leni Robredo ang kahulugan ng pink sa kanyang pagtakbong pangulo.

Ani Robredo, “Hindi naman kulay ‘yung nagde-define sa tao. Pero ‘yung sa akin importante din sa akin ang pink kasi pakikiisa. Pakikiisa sa mga naniniwala,” paliwanag niya.

Matatandaang nagsuot ng kombinasyon ng pink at blue ang mga supporter ni Robredo, kabilang na ang mga celebrity, matapos niyang magdeklara ng 2022 presidential bid.

Nilinaw naman ng spokesperson ni Robredo na ang kulay pink ay para lamang sa paglulunsad at hindi pa final theme ng kanyang kampanya.

“Pink was adopted from the volunteers, and as a color of protest and change. It is simply the color for the launch. Campaign colors will still be finalized,” pahayag ni Barry Gutierrez, ng Office of the Vice President, sa panayam sa CNN Philippines. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?