176

Nov 6, 2019 @ 22:07
By

Leni ibe-baby lang ang mga drug lord! – Go

Bagama’t gusto ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na maging matagumpay si Vice President Leni Robredo bilang anti-drug czar, duda naman itong baka i-baby niya ang mga drug lord.

“Sa tingin ko parang gusto ‘ata nya i-baby ang mga drug lord, gusto niya sigurong padamihin,” pahayag ni Go sa mga reporter.

“Kung takot ka patayin (ang drug lords) eh di dadami ‘yan. Ilang presidente na ang dumaan, nabawasan ba ang drug lord, nabawasan ba ang biktima ng droga?” sambit pa nito.

“E lalong dumami. Ngayon lang po ito nabawasan sa panahon ni President Duterte. Figures will show that 82% of the Filipinos are satisfied with the war on drugs,” ayon pa sa senador.

Pangamba pa ni Go, baka dumami pa ang biktima ng iligal na droga ngayong kasama na si Robredo sa kampanya laban sa iligal na droga.

“Gusto namin mag-succeed siya pero natatakot po ako na mas lalong dadami ‘yung inosenteng mabibiktima ng droga,” ayon kay Go.

“Bibilangin ko yan sa 2022 kung ilan pang inosente ang mabibiktima nitong droga na ito. I’m sure kung hindi mo idaan sa takot ang mga drug lord na ito, dadami ang drug lord, dadami ang droga, dadami ang mabibiktima,” wika pa nito.

Kung ayaw umano ni Robredo na pumatay ng drug lord, maari naman niyang ibulong ito sa kanya.

“We want you to succeed, kailangan natin patayin ang mga drug lord, tutulungan ka namin, basta i-save natin ang mga inosente. Kung ayaw n’ya, ibulong lang niya sa amin, ibulong mo sa amin, Ma’am,” sabi ni Go.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?