449

Oct 14, 2021 @ 18:36
By

Leni feeling na-hazing

Inihalintulad ni Vice President Leni Robredo sa hazing ang karanasan niya sa nakalipas na mahigit limang taon.

Madalas daw kasi siyang target ng mga fake news.

“I have been at the receiving end of a lot of disinformation, a lot of fake news. Sabi ko nga, if I will describe the five and a half years that passed, sabi ko para akong na-hazing,” lahad ni Robredo sa isang online meeting ng Rotary Club.

Binanggit ni Robredo ang election protest laban sa kanya ni dating senador Bongbong Marcos na kalaunan ay binasura ng Korte Suprema.

Inalala rin niya ang pagkakasipa bilang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council at co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Kaya ikinagulat daw niya ang natanggap na suporta nang magdeklarang tatakbo sa pagka-pangulo.

“We did not expect the kind of reception that we have been getting now. Meaning to say, we knew that my supporters will be happy with the decision, but what we were not prepared for was the deluge of volunteers that we are now getting, so even if my numbers are still low now, everything is upbeat. The momentum is ther

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?