275

Leni, Bongbong pinagmulta sa paglabag sa gag order

Sharing is caring!

Pinatawan ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ng tig-P50,000 multa ang kampo nina Vice President Leni Robredo at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos dahil sa paglabag sa gag order na inisyu noong Abril.

Ang multa ay bilang pagtalima ng dalawang kampo sa sub judice rule ng PET. Sa sub judice rule, ang parehong partido ay pinagbabawalang magsalita sa publiko hinggil sa merito ng kanilang kaso habang dinidinig pa ito.

Sa resolusyon ng PET noong Pebrero 13, inatasan nito ang magkabilang panig na sundin ang sub judice rule habang dinidinig ang kaso. Muling pinaalalahanan ng PET ang dalawang kampo sa pamamagitang ng isang resolusyon noong Marso 20.

Noong Abril 1, nagpalabas ang PET ng show cause order sa dalawang kampo matapos magbigay ng impormasyon sa media tungkol sa sensitibong impormasyon ng kaso.

Si Marcos ay naghain ng protesta noong Hunyo 29, 2016 sa alegasyong dinaya diumano sila ng kampo ni Robredo sa halalan ng taong ding iyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: