91

By

Lehitimong bidding inihirit para pneumonia vaccination program

Pabor ang liderato ng House Committee on Health sa posibilidad na hindi lamang isang kumpanya ang makakasungkit ng kontrata kung sakaling muling buksan ang bidding para sa bakuna sa pulmonya, ang pneumococcal conjugate vaccine (PCVs).

Ayon kay House Committee on Health chairperson at Quezon Cong. Dr. Angelina Tan, hindi dapat mauwi sa monopolyo ng iisang supplier lamang ang posibleng bidding para sa nasabing bakuna.

“Specifications in biddings should not favor a single brand. Bids should not lean towards certain companies,” wika ni Tan.

Ang pagkakaroon ng maraming bidders ayon kay Tan ay makakabuti sa pamahalaan na aralin kung anong brand ba pinakamabisa base sa presyo at kalidad.

“Allowing multiple bidders will allow the government to leverage on the vaccines’ cost-effectiveness,” saad ni Tan.

“Medical supplies that are needed by the government pass through Health Technology Assessment, which determines their cost-effectiveness,” dagdag pa ng kongresista.

Si Tan ang may akda ng House Bill No. 172 or ang panukalang pagpapalawak ng Mandatory Immunization program at pagkaroon ng sistema sa pagpili ng iba pang klase ng bakuna para sa mga sakit na may lunas.

Una nang nagpahiwatig ang Department of Health (DOH) na bukas sila sa posibilidad na hindi lamang isang bidder ang bibigyan ng pagkakataong mag-supply ng PCV sa ahensya.

“Specifications for biddings should be generic so that all brands and suppliers can participate,” giit in Health Usec. Rolando Enrique Domingo.

Pansamantalang ipinahinto ng DOH ang dapat sana’y naka-takdang bidding sa PCVs dahil isang kumpanya lamang ang sumali dito.

“The budget for pneumococcal vaccines is P4.9 billion. This is the reason why we have to study this carefully,” wika ni Domingo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?