65

Feb 25, 2021 @ 15:54

Lehitimong anak puwede gamitin apelyido ng ina – SC

Maaaring gamitin ng mga legitimate children ang apelyido ng kanilang ina, ayon sa ruling ng Supreme Court (SC).

Sa 15-pahinang desisyon na inilabas noong Miyerkoles, binaliktad ng SC ang naunang pagpapasya ng Zamboanga City Regional Trial Court Branch 12 at Court of Appeals na nagbabasura sa apela ni Anacleto B. Alanis III para palitan ang kanyang apelyido sa Ballaho.

Ayon sa petitioner, gumagamit siya ng apelyido na Ballaho – ang apelyido ng kanyang ina, na nagpalaki sa kanya at mga kapatid niya bilang solo parent.

Gayunpaman, sa nakaraang mga pagpapasya noong 2018 at 2014 hindi pinagbigyan ang kanyang hiling kung saan binanggit ang Article 364 ng Republic Act No. 386 o “An Act to ordain and institute the Civil Code of the Philippines”.

Ang naunang desisyon ay base sa Article 174 ng Family Code na nagsasabing: “ARTICLE 174. Legitimate children shall have the right: (1) To bear the surnames of the father and the mother, in conformity with the provisions of the Civil Code on Surnames[.]”

Nalalapat ito sa Article 364 ng Civil Code na nagsasabing “Legitimate and legitimated children shall principally use the surname of the father.”

Pero ayon sa SC, ang salitang “principally” sa probisyon ay hindi nangangahulugan na “exclusively.”

“The Regional Trial Court’s application of Article 364 of the Civil Code is incorrect. Indeed, the provision states that legitimate children shall “principally” use the surname of the father, but “principally” does not mean “exclusively”,” sabi sa ruling.

“This gives ample room to incorporate into Article 364 the State policy of ensuring the fundamental equality of women and men before the law, and no discernible reason to ignore it,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?