265

May 18, 2019 @ 19:09
By

Legendary tigress! Valdez, UST community nagpugay kay Sisi

Bigo man si Sisi Rondina na makopo ang kampeonato sa kanyang huling laro para sa UST, paniguradong hindi ito talunan sa mata ng mga taga-España maging ng nakalabang Ateneo Lady Eagles.

18 points ang nilagare ni Rondina, sa isang yugto pa ay napahiga matapos masaktan ang kamay ngunit ipinagpag lamang ito. Tila walang nangyari.

Matapos ang laro, Ateneo ang nagwagi, 25-17, 25-22, 25-22, at naging emosyonal na si Sisi na nabigong makapag-uwi ng tropeo para sa kanyang alma mater sa limang taong paglalaro sa indoor volleyball.

Ngunit imbes na magmukmok ang mga UST fan, trending agad si Sisi, nagpugay sa tigreng hindi sila iniwan hanggang huli.

Sa tweet ng dating UST player na si Carmela Tunay, siya’y nag-congratulate sa Golden Tigresses sa pag-abot sa Finals, at special mention din si Rondina.

“Congrats, Admu! Well-deserved and well-fought crown. Congrats also to UST!!! Where you guys took UST is a big big big big win for the community worth celebrating. Maraming salamat. We love you! MAD RESPECT TO OUR LEGEND, SISI RONDINA,” saad ni Tunay.

Nakunan naman ni celebrity doctor Viki Belo ang pagiging emosyonal ni Sisi habang nagpapaalam sa mga fan.

“Sad but also grateful . Grateful because your heart and dedication brought us here today . Thank you , Sisi and UST Tigresses #GoUSTE #uaap81volleyballfinals,” salita ni Belo.

Maging si dating Queen Eagle Alyssa Valdez ay dama ang hirap na pinagdaanan ni Rondina, na dati niyang naranasang matalo sa huling playing year noong 2016 kontra DLSU.

“I feel for Sisi also, being on her last year. I remember my time also, during my last year,” simpatya ni Valdez.

“It’s so nice, very inspiring kasi story ng UST from no. 7 last year and now they gave a good fight to Ateneo,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?