dj-fontana
By

Legendary drummer ni Elvis Presley, pumanaw na

Sharing is caring!

Namatay na ang nalalabing miyembro ng orihinal na banda ni Elvis Presley.

Sa emosyonal na mensahe sa Facebook ng anak ni drummer DJ Fontana na si David, inihayag nito ang pagpanaw ng kanyang ama sa edad na 87.

“I told everyone that I would keep you posted. My Dad passed away in his sleep at 9:33 tonight,” ani David.

“He was very comfortable with no pain. I will post more tomorrow when I have more information. We ask for privacy at this time. Thank you for your love and prayers,” dagdag pa ni David.

Matapos pumutok ang balita, nagbahagi ng tribute para kay Fontana ang Sun Studio na nakabase sa Memphis, Tennessee, kung saan unang sumibol ang career ng King of Rock & Roll.

“We are extremely saddened to hear about the passing of legendary drummer D.J. Fontana. The band is all back together now,” sabi sa pahayag ng Sun Studio.

Kasama si Fontana sa maraming hit songs ni Presley gaya ng “Don’t Be Cruel”, “Jailhouse Rock” at “Hound Dog”.

Nagsimula siyang maging drummer ni Presley noong 1954 hanggang 1968.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?