76

By

Legazpi City sinailalim sa state of calamity dahil sa rabies

Inaprubahan ng sangguniang panglungsod ng Legazpi City ang paglalagay sa state of calamity sa buong siyudad dahil sa tumataas na kaso ng rabies.

“Nag-declare po ang Legazpi City ng state of calamity in rabies in dog. Ngayon itong pag-declare po namin ng state of calamity, sa hayop lang,” ani Dr. Emmanuel Estipona, officer-in-charge ng Legazpi City Veterinary Office.

Dahil sa deklarasyon, madali nang makakapaglabas ng pondo na gagamitin sa pagbili ng anti-rabies vaccines ang lungsod.

Aniya, biglang natigil ang nakukuha nilang suporta mula sa Bureau of Animal Industry sa buong Pilipinas kabilang na ang Albay kaya kinapos sila sa pondo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?