45

Nov 30, 2017 @ 12:54
By

Legarda, kinuwestiyon sa dagdag-bawas sa budget ng mga ahensiya

Hinihingan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ng paliwanag ang malaking dagdag sa budget ng Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC).

Sa panukalang P3.7 trilyong pambansang budget na inaprubahan ng Senado, sinabi ni Drilon na nadagdagan ng P1.65 bilyon ang budget ng DILG na may saklaw sa Philippine National Police (PNP), habang P1.21 bilyon ang idinagdag sa PDEA at P1.49 bilyon sa BOC.

Pinuna ni Drilon na pinadagdagan ng badyet ang tatlong ahensya habang malaki naman ang tapyas ng ibang ahensya.

Nabawasan ng P17.08 bilyon ang Pension and Gratuity Fund, P8.1 bilyon ang kaltas ng National Disaster Risk Reduction Fund at P4.66 bilyon ang ibinawas sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund.

Hiningi ni Drilon kay Senadora Loren Legarda, chairman ng Senate committee on finance, ang written explanation para sa dagdag-bawas sa badyet.

“We would like the committee to submit to each member of the Senate, and for the record, the nature and purpose of these changes in the agencies’ budget, particularly those with over P1 billion in addition,” ayon kay Drilon.

Binigyang-diin na katungkulan nila na ipaalam sa publiko ang lahat ukol sa badyet upang hindi sila mapagdudahan na may itinatagong pork barrel.

“We cannot leave our people in the dark as it would only fuel speculations that pork barrel is still thriving despite the Supreme Court’s decision declaring it unconstitutional,” dagdag ni Drilon. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?