41

Jul 21, 2021 @ 16:01
By

Legarda, Gatchalian, bala sa Senado ng Ping-Tito tandem

Nilantad na ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang kanilang magiging senatorial lineup ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa 2022.

Ito’y matapos kumpirmahin ni Sotto na tatakbo siyang bise presidente, at magiging ka-tandem niya si Lacson na susubok naman sa pagka-Pangulo.

Ilan sa makakasama sa kanilang ieendorso ay parte ng Nationalist People’s Coalition kung saan si Sotto ang acting chairman.

Ito ay sina Senador Sherwin Gatchalian, Deputy Speaker Loren Legarda, Sorsogon Gov. Francis Escudero at dating senador JV Ejercito.

Bukod pa sa apat, magiging parte din ng kanilang lineup sina Senate Majority Leader Miguel Zubiri, Sen. Richard Gordon at Sen. Joel Villanueva.

Dagdag din si Department of Information and Communications Technology Sec. Gringo Honasan, na kilalang kaibigan ni Lacson.

Ayon kay Sotto, may ilan pa silang kinakausap para maging parte ng kanilang senatorial bet.

“We have others whom we like and are talking to. Before we release their names, we want first to talk to them so that they won’t be surprised,” wika ni Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?