84

Oct 20, 2017 @ 12:23

Legarda ayaw sa DSWD post

Hindi interesado si Senator Loren Legarda na maging kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa senadora, tatapusin niya ang kaniyang termino bilang senadora na hanggang sa Hunyo 2019.

Patuloy daw niyang gagampanan ang pagiging chairman ng committee on finance, committee on foreign relations at committee on climate change ng Senado.’

Una rito, umalingasngas sa Malakanyang na ikinukunsidera siyang italaga bilang DSWD secretary.

Pero ayon kay Legarda, hindi ito direktang inialok sa kaniya ng Malacanang.

Naghahanap sa ngayon ng ipapalit kay dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo na natanggal sa pwesto dahil hindi nakalusot sa Commission on Appointments.

“I intend to finish my term as senator and serve as chairman of the finance, foreign relations and climate change committees,” pahayag ni Legarda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?