125

By

Legalisasyon ng marijuana, pagkakakitaan lang ng mga pulitiko – Atienza

Interesado umano ang maraming mambabatas na gawing negosyo ang marijuana kaya isinusulong ang legalisasyon ng medical cannabis.

Sa katunayan, sinabi ni House deputy minority leader Lito Atienza na nag-field trips na sa Canada at Amerika ang ilang pulitiko para personal na tingnan ang mga operasyon ng medical marijuana dispensaries sa mga nabanggit na bansa.

“There are politicians who want to profit from legalized medical marijuana. This is clearly all about money – lots of money,” ani Atienza.

Una rito, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na handang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang panukalang batas para gawing legal ang paggamit ng medical marijuana.

Pero ayon kay Atienza, malabo nang makarating sa Palasyo ang medical cannabis bill dahil meron na lamang natitirang 20 session days ang Kongreso na inaasahang gagamitin pa sa pagpasa ng panukalang 2019 national budget.

“The bill legalizing medical marijuana is already dead as far as this Congress is concerned,” sabi ng kongresista.

Iginiit ng mambabatas na ang legalisasyon ng medical marijuana ay magbubukas sa pag-abuso sa paggamit nito at lilikha ng public health emergency sa bansa.

“Marijuana is a poison. No amount of sugar-coating will make the illegal drug less toxic,” diin ni Atienza.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?