248

By

Legal organizations na sumusuporta sa NPA, tukoy na – AFP

Sharing is caring!

Natukoy na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga grupo o mga organisasyong sumusuporta sa New People’s Army (NPA).

Ngunit ayon kay AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero, gumagawa na sila ng paraan ngayon para maresolba ang problemang ito sa hindi marahas na pamamaraan.

Aniya, hindi maaaring armado o mula sa kanilang hanay ang kokompronta sa mga legal organizations na ito.

Dagdag pa nito, mayroon nang mga government agencies ang umaaksyon sa problemang ito.

“They are legal organizations, we have to address them accordingly, hindi puwedeng armado ang iko-confront mo doon, there are other agencies of government responding to these concerns,” sabi ni Guerrero.

Matatandaang mula ng pormal nang tapusin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa Communist Party of the Philippines (CPP)-NPA-National Democratic Front, sunod-sunod ang naging pag-atake ng NPA kung saan malimit nilang ginagawang pananambang ay sa tropa ng pamahalaan. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?