33

Jul 19, 2021 @ 14:49
By

Legacy ni Duterte pagpapapatay – Trillanes

Muling binira ni dating Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa totoo umanong legacy nito bilang pangulo ng bansa.

Sa isang Facebook post ng kanyang official account, sinabi ni Trillanes na kung mayroon daw natapos sa kanyang termino ang pangulo, ito raw ay ang libo-libong pinapatay niya sa ilalim ng kanyang drug war.

“In listing down Duterte’s accomplishments, dapat isama palagi ng media ang libu-libong pinapatay nya, kasi pangunahin ‘yun sa legacy nya,” wika ng dating senador.

Dagdag pa niya, hindi sapat ang Build, Build, Build program ng administrasyon upang matabunan ang kanyang mga maling nagawa sa bansa.

“Kahit ilang tulay pa ang ipagawa nya, hinding-hindi kaya matabunan noon ang mga kasamaang ginawa nya sa kapwa Pilipino,” dagdag pa ng dating mambabatas.

Ang pahayag na ito ay inilabas isang linggo bago ang huling SONA ng pangulo sa Hulyo 26, kung saan inaasahan ang pagmamalaki ni Duterte sa kanyang mga nagawa sa kanyang anim na taong panunungkulan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?