53

Oct 18, 2017 @ 16:08

Legacy ni Cardinal Vidal, mananatili sa puso ng mga Pinoy

Nagdadalamhati rin ang mga senador sa pagpanaw ni Eminence Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal na ayon sa kanila ay malaki ang naging kontribusyon sa bansa.

Sabi ni  Senador Francis “Kiko” Pangilinan, walang takot si Cardinal Vidal sa pangangalampag sa mga lider ng bansa para sa ikabubuti ng taumbayan.

“Cardinal Vidal professed a calling that is not just within the walls of his congregation and the church, but in communities, especially among the poor and voiceless,” saad ni Pangilinan.

Naging mahalaga anya ang papel ng kardinal sa 1986 Edsa People Power Revolution gayundin sa panghihimok noong 2001 kay dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na lisanin ang Malakanyang para maiwasan ang karahasan.

Naniniwala naman si Senador Joel Villanueva na mananatili sa puso ng lahat ang legacy na iniwan ni Cardinal Vidal.

“In our political journey, Cardinal Vidal served as one of our spiritual consels. He actively supported and prayed for us, especially throughout the campaign,” saad ni Villanueva.

Itinuturing naman ni Senador Nancy Binay si Cardinal Vidal bilang pundasyon ng spiritual life ng kanilang pamilya kaya’t tiyak anyang hahanapin ng mga tao ang kanyang mga hakbangin sa pamamahala. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?