298

Dec 16, 2017 @ 16:41
By

Lee Seung Gi type ulit pumasok sa military; fans umalma

Ipinakilala na at nakausap na ng media ang cast ng magpa-pilot na bagong Korean Drama, ang ‘Hwayugi’ ng TvN sa December 23, 9 p.m. KST. Nag-top 1 trending ang naging statement ng Hallyu star at bida ng ‘Hwayugi’ at gumaganap sa karakter ni Son Oh Gong na si Lee Seung Gi.

Common na sa Korea na kapag may bagong drama, madalas ay tinatanong ang mga bida nito kung ano ang maipa-promise sakali at mataas ang makukuhang rating, lalo na sa pilot episode. Kilalang ‘King of Ratings’ sa South Korea ang actor/singer/host.

‘Yung ibang Korean stars, nandiyang magse-sexy dance, magta-topless at iba pa. Nagulat at tila ‘di mapigil sa katatawa na pinigilan si Lee Seung Gi ng dalawa niyang co-stars na sina Cha Seung Won at ang leading lady na si Oh Yeong Seo nang sabihin nitong, “If the TV rating exceeds 10%, I will re-enlist.”

Wala pa halos two months nang ma-discharge si Lee Seung Gi mula sa military service. Pero nilinaw rin niya na ang ibig niyang sabihin sa re-enlist. Aniya, “Let’s do a three weeks special training!”

Sa bandang huli, sinabi rin niya na mag-uusap muna sila ng publicity team at magde-decide kung ano ang gagawin nila.

Dahil sa naging statement na ‘yun ni Lee Seung Gi, nag-top one trending ito sa Naver. Iba-iba ang naging reaksyon ng mga fans, pero karamihan, kinabahan at nakiusap na ‘wag na raw itong uulitin pang sabihin ni LSG o kahit biro lang.

Alam kasi ng mga fans na ang naging training niya sa military ay sa Black Panther unit, ang Special Forces unit, kaya bilang reservist, kung talagang kakailanganin siya ay posible talaga siyang mag-re-enlist. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?