40

By

Lee Seung Gi pinarangalan sa Asia Artist Awards

Sharing is caring!

Dalawang Linggo mula nung na-discharged sa kanyang 21 months mandatory military service, binigyan ng special award ng katatapos na 2017 Asia Artist Awards na ginanap sa Jamsil Arena, Seoul ang tinaguriang Korea’s Superstar, Triple Threat Star at Nation’s Younger Brother na si Lee Seung Gi.

For the first time, nagkaroon ng special award ang AAA na Best Welcome Award bilang rekognisyon sa kanyang pagbabalik. Walang-duda na ang nag-udyok sa AAA na pagkalooban ng ganitong award si LSG ay sa dahilang among the Korean male stars and celebrities, siya ang pinaka-kinainipan ang paglabas at isa sa pinakanaging maingay at well talked about discharge bukod pa ang klase ng trainings na ginawa niya at mga awards na natanggap sa loob ng army camp.

Nagsilbi rin na ang appearance niya sa red carpet ng AAA at ang pagtanggap niya ng award ang first official appearance niya after his discharge. Dahilan para ang halos lahat ng Airen fans niya sa buong mundo ay inabangan nang husto ang AAA. At sa Korea mismo, siya ang isa sa nag-trending among the celebrities who attended the awards night at naver website.

Inamin naman ni Seunggi na kinakabahan siya nang tanggapin ang award at magbigay ng speech.

Base sa mabilis na pagta-translate ng blogsite na leeseunggiforever, “After my debut, I’ve received many awards… this Best Welcome Award… just its name alone is enough to make one laugh out loud. I think it’s the first time I’ve ever received one. To start off, I’d like to give my sincere thanks.

“I ask for your understanding if my thoughts are not expressed coherently. My heart is beating so fast. I’m as nervous as if I had received news to re-enlist in the army. I imagined countless times what I should say about this award. But I couldn’t think of anything to say… because I didn’t do anything.” (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?