171

Aug 9, 2019 @ 16:59
By

Lee Seung Gi, darating sa Pilipinas

Magkakaroon ng fan meet sa bansa ang Korean actor na si Lee Seung Gi.

Sa anunsiyo ng events company na Applewood, magaganap ito sa October 12.

Bahagi ang event ng Asia fan meet tour ni Seung Gi na “Vagabond Voyage”, na dadalhin din niya sa Singapore, Kuala Lumpur at Bangkok.

Samantala, wala pang announcement tungkol sa venue at ticketing details.

Kabilang sa pinagbidahang dramas ni Seung Gi ang “My Girlfriend is a Gumiho” at “A Korean Odyssey”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?