39

Feb 28, 2020 @ 20:42
By

Lee Min Ho balik TV series na!

Pinagbunyi ng mga fan ang pagbabalik telebisyon ni Lee Min Ho matapos niyang makalabas sa military service.

Ipinasilip na kasi nitong Feb. 28 ang teaser trailer 1 ng bago niyang TV series na “The King: Eternal Monarch”.

Tatlong taon na ang nakalipas nang huling mapanood sa telebisyon ang poging South Korean actor kaya naiyak ang mga fan niya.

Huling TV show niya ang “DMZ, The Wild” noong 2017.

Nakatakda raw ipalabas ngayong taon (2020) ang fantasy-romance TV series.

Makakasama rito ni Lee Min Ho sina Kim Go-eun at Woo Do-hwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?