9

Oct 1, 2020 @ 21:19
By

Lee magtatayo ng coffee shop

Bagong karir.

Habang kulong sa loob ng PBA Bubble si Magnolia Hotshots star Paul John Lee, may naisip siyang bagong pagkakaabalahan.

Ito ay ang maging barista. Sa kape lang aniya ay solb na siya.

“All I need is hot coffee and I’m good. Abangan niyo mamaya kung paano ako gumawa ng sarili kong kape,” caption ni Lee sa Instagram post Huwebes.

Nag-trend sa social media ang ‘Angas ng Tondo’ nang ibulgar ang plano niyang magtayo ng coffee shop sa PBA venue.

“Kung alam ko lang na ganon, baka magtayo na ako ng coffee shop dito,” pabirong pahayag ni Paul sa panayam ng 2OT Podcast.

Kasakuluyang nasa Clark, Pampanga ang former Gilas cager at posibleng pumugad doon ng mahigit dalawang buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?