139

Apr 10, 2019 @ 21:59
By

Lee kumamada, Magnolia winalis ang Ginebra

Kinumpleto ng Magnolia ang Final Four sa PBA Philippine Cup matapos ilampaso ang Barangay Ginebra, 85-72, sa Smart-Araneta Coliseum nitong Miyerkoles ng gabi.

Bumulusok sa mahalagang third quarter si Paul Lee para iabante ang Hotshots sa semifinals at naiselyo ang pakikipagtuos sa dati niyang koponan na Rain or Shine.

Tumapos na may 25 points si Lee, 13 dito ay kinamada niya sa third quarter, para ungusan ang Gin Kings sa do-or-die game para sa semifinal spot.

Lumamang ng mahigit 22 points ang Magnolia pero naibaba ito sa siyam ng Ginebra.

Isang basket at tres ni Lee ang nag-apula sa paghahabol ng Gin Kings.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?