48

By

Lee Jong Suk at Bae Suzy tuloy ang romansa off-cam

Sharing is caring!

Kahit tapos nang umere ang SBS drama na ‘While You Were Sleeping’ na pinagbibidahan nina Lee Jong Suk at Bae Suzy, hanggang ngayon ay pinag-uusapan at marami pa rin ang kinikilig sa naging chemistry nila.

Marami ang natuwa nang muli silang makitang magkasama sa nakaraang 2017 SBS Drama Awards.

Silang dalawa ang itinanghal na 2017 SBS Best Drama Awards Best Couple dahil sa pagganap nila bilang sina Nam Hong Joo at Jung Jae Chan.

Sa kanilang speech, pareho nilang pinasalamatan ang isa’t isa. Bagama’t biro ang sinabi nila sa emcee na Shin Dong Yup na habang ginagawa nila ang ‘While You Were Sleeping’ ay may feelings daw na nade-develop sa kanilang dalawa.

Pag-amin na nga ba na na-in-love o in-love si Jong Suk kay Suzy (na kamakailan lang ay kinumpirma ng management nilang pareho ni Lee Min Ho na break na nga) dahil sa sagot nito sa emcee kung na-in-love raw ba talaga tulad ng role niya.

Ang sagot ni Jong Suk, “Suzy is the most beautiful woman in Korea. I fell in love from time to time.”

Ayon naman kay Suzy, “Because Jong Suk oppa is so good looking, I could really immerse myself in the role.”

Hanggang sa backstage raw ay sweet-sweetan ang dalawa na ni-reveal ng SBS Entertainment News Hanbam.

Hmmm… may chance nga kaya na isa sina Jong Suk at Suzy na kahit tapos na ang drama nila on-screen ay posible pa rin magtuloy-tuloy ang romance off-screen?

Sa isang banda, disbanded naman na ang grupong miss A na kinabibilangan ni Suzy kasama sina Fei, Jia at Min. Pero kahit wala na ang girl group nila, mananatili pa rin siya sa JYP Entertainment.

Noong January 1 ay pumuntang Los Angeles si Suzy para mag-shoot ng kanyang music video para sa kanyang solo album. Bukod sa pag-arte, naunang nakilala si Suzy bilang isang Korean singer. Ang comeback album niya ay ang kanyang kauna-unahang solo album simula nang madisband ang miss A.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?