329

Dec 9, 2017 @ 16:26
By

Lee Hyeri at Ryu Jun-yeol magdyowa na

Pinag-uusapan ang MBC’s drama na Two Cops na nagsimulang umere noong November 27. Sa title pa lang, may temang action na ang bagong team-up na ito nina Jo Jung Seok and Lee Hyeri.

Si Hyeri ang pinakabatang miyembro ng girl group na Girls Day at nakilala rin sa mga leading roles niya sa Reply 1988 at Entertainer.

Si Hyeri ang isa sa most in-demand South Korean star pagdating sa mga CF (commercial film). In fact, simula lang noong 2016, may 30 brands na siyang inendorso kabilang dito ang Puma, Lotte at iba pa.

Dahilan para bigyan siya ng titulong 10 billion won girl ng South Korean media.

Kamakailan lang din ay pinarangalan si Hyeri ng Female Commercial Film Star Award ng MTN Broadcasting Advertising Awards. At last year, Hyeri ranked as third in Forbes Korea Power Celebrity.

So far, marami na ang napapabilib ng tandem nina Hyeri at at Jo Jung Suk (Jealousy Incarnate, King 2 Hearts) pero sa totoong buhay, si Hyeri ay sinasabing in a relationship sa South Korean actor na si Ryu Jun-yeol.

Unang nagkasama sina Hyeri at Jun-yeol sa Reply 1988 noon pang 2015 at nitong August 2017 nga kinumpirma ng pareho nilang agency na ‘they are dating’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?