63

Oct 26, 2021 @ 23:15
By

Lee hinarot misis sa anibersaryo

Ibinida ni Philippine Basketball Association star Paul John Lee ng Magnolia ang singsing at larawan nila ng misis na si Rubie nang ikasal sila noong Oktubre 2016.

Inalala ng Angas ng Tondo at Leathal Weapon ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib na nasa panlimang taon na ngayon.

“Happy 5th wedding anniversary Mommy. Thank you for everything through ups and downs, lalo na sa pag-aalaga kay @tokyochualee wala akong masabi,” post ng Pambansang Manok Hotshots combo guard sa Instagram Martes.

Pero dahil likas na makulit ang 32-anyos at may taas na 6-0 na basketbolista, hindi pa rin nawala ang matamis na mensahe para sa panghaharot sa kabiyak.

“Sorry wasn’t there to celebrate with you, pero wala naman tayo magagawa ‘di ba? We can celebrate later, nakaligtas ka na naman sa akin.”

Nagbahagi rin ang kanyang esmi ng isang IG post para sa okasyon at sagutin ang asawa.

“Happy 5th wedding anniversary hubby @lethalweapon03. We love you and we miss you pero ‘di kami nagmamadali na umuwi ka, tagalan mo pa dyan pls.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?