10

Oct 25, 2020 @ 22:14
By

Lee, Corpuz bumuhat: Magnolia pinutol win streak ng Ginebra

Nakaisa ang Magnolia Pambansang Manok sa kanilang mahigpit na karibal na Ginebra San Miguel, 102-92, nitong Linggo sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.

Naging dikit ang laban sa unang tatlong quarters, ngunit sa final canto ay humarabas na ang Magnolia sa pangunguna ni Paul Lee.

Nagpakawala ng puntos si Lee sa 14-0 run ng Magnolia para putulin ang three-game losing streak.

Tumapos si Lee tangan ang 15 points, habang matikas naman si Magnolia center Jackson Corpuz sa 20 points at anim na rebounds.

Samantala, kulang sa katulong si Ginebra star Stanley Pringle na tumapos tangan ang 24 points, six rebounds at tatlong assists.

Dahil sa talo, naputol ang four-game win streak ng Ginebra pati na rin ang kanilang 11-game win streak kontra Magnolia sa elimination round.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?