2,496

By

Lee, Castro out; Tenorio, Thompson in sa Final 12 ng Team Pilipinas

Napuno ng apat na Ginebra player ang lineup ng Team Pilipinas na lalaban kontra sa Kazakhstan sa Biyernes sa fifth window ng Fiba World Cup Asian qualifiers.

Salo kina LA Tenorio, Scottie Thompson, Greg Slaughter at Japeth Aguilar ang kanilang ka-sister team mula San Miguel Beermen na si four-time MVP June Mar Fajardo, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter.

Sama pa ang dating manlalaro ni national team coach Yeng Guiao sa Rain or Shine na sina Gabe Norwood at Beau Belga, pati sina Blackwater Poy Erram, Matthew Wright ng Phoenix habang si NorthPort star Stanley Pringle naman ang napili na naturalized player.

Kapansin-pansin ang pagkawala sa lineup ng dalawang bigating guard ng Gilas na sina TNT KaTropa Jayson Castro at Magnolia scorer Paul Lee.

Kasama sa mga ‘di nakapasok ay sina Arwind Santos ng San Miguel, Troy Rosario ng TNT, at dalawang cadet na sina Ricci Rivero at Kai Sotto.

Samantala posible pang magkaroon ng pagbabago sa lineup sa kanilang magiging laban kontra sa Iran sa Disyembre 3 at napabalita na ang Fil-German na si Christian Standhardinger na ang lalarga para sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?