7
ping-pong
By

Ledesma, PTTFI may P5-M pa-ping pong

Sharing is caring!

LUBHANG ikinatuwa at ipinagpasalamat ni Philippine Table Tennis Federation Inc. (PTTFI) president Ting Ledesma ang pagtatakda ng Philippine Sports Commission (PSC) ng P5-milyong pondo para sa paghahanda at pagsasanay ng mga pambansang atleta sa iba’t ibang lokal at internasyonal na torneo.

Walang pagsidlan ng kasiyahan si Ledesma dahil malaking ayuda aniya ito para maisulong ang programa ng asosasyon gayundin para suportahan ang preparasyon ng higit 20 miyembro sa pambansang koponan.

“Malaking tulong sa mga atleta kung masusuportahan sila ng panggastos sa sasalihan nilang mga tournament,” ani Ledesma. “Medyo matagal din na panahon na hindi kami nakakakuha ng suporta pero nagpapasalamat kami ng marami ngayon pa lang.”

Ang table tennis ay kasali sa sports na nasa ikatlong grado o Tier 3 base sa kasalukuyang iniimplementa na pamamaraan ng PSC ng pagtatakda ng pondo sa mga national sports association (NSA).

Matatandaang nakapagtala ng kasaysayan ang PTTFI noong 2016 matapos makapagkuwalipika sa unang pagkakataon sa table tennis ni Ian Lariba noong 2016 Rio Olympics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?