232

Jun 6, 2021 @ 10:29
By

LeBron welcome bumalik sa Miami!

Matapos maging champion sa NBA bubble, agad na nabigo si Lakers superstar LeBron James na madepensa ang kanilang trono nang pataubin ng Phoenix Suns sa first round ng playoffs.

At kung sakali mang gustuhin nitong lumipat ng koponan, bukas ang Miami Heat na pabalikin si ‘King James’.

Sa panayam kay Heat president Pat Riley sa ‘The Dan Le Batard Show with Stugotz’, sinabi niya na handa siyang mag-iwan ng ‘gintong susi’ sakaling muling magkainteres si LeBron sa kanilang koponan.

“I wish him nothing but the best. And if he ever wanted to come back, then I’ll put a new shiny key under that mat,” ayon kay Riley.

Dalawang kampeonato ang nasungkit ni James sa Miami, binuo ang Big Three kasama sina Dwyane Wade at Chris Bosh.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?