658

By

LeBron umayaw na sa Cavs

Sharing is caring!

Nagdesisyon na umano si NBA superstar LeBron James na hindi na kagatin ang $35.6 million contract option sa Cleveland Cavaliers.

Ayon sa ilang report mula sa ESPN at Cleveland news site, dahil dito magiging top free agent si James.

Ilan umano sa mga nakatanaw na para mabingwit si James ang Los Angeles Lakers, Houston Rockets at Philadelphia 76ers.

Maaari pa umano sanang pumirma ng bagong deal ang four-time NBA Most Valuable Player pero nang mawalis ng Golden State Warriors ang Cleveland sa 2018 NBA Finals, hindi na isinikreto ni James ang pagnanais nito na maglaro sa ibang koponan na makakasabay sa Golden State.

Matatandaang iniwan na noong 2010 ni James ang Cleveland para lumipat ng Miami Heat, na nabigyan niya ng dalawang kampeonato bago siya nagbalik sa Cavaliers.

Ang desisyon na ito ni James ang lalo pang nagpatingkad sa free agency period na magsisimula sa Linggo kung saan nakahilera sina James, Paul George, Chris Paul at DeMarcus Cousins.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?