19

Dec 30, 2019 @ 15:00
By

LeBron tinalo sina Bolt, Brady, Messi

Isang araw bago ang kanyang 35th birthday, Disyembre 29, inanunsiyo na si LeBron James ang tinanghal na “Male Athlete of the Decade” ng Associated Press.

Pumangalawa sa naging botohan ng mga AP member sports editor at writer si New England Patriots quarterback Tom Brady, na sinundan nina sprinter Usain Bolt, soccer icon Lionel Messi at Olympic swimmer Michael Phelps.

Nasungkit ni James ang tatlong NBA championship (most valuable player sa NBA Finals), tatlong league MVP award, at isang ginto sa Olympics.

Bumida na si King James sa 1,229 career regular-season games, at nakapagtala ng 33,334 puntos, fourth all-time sa kasaysayan ng NBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?