13

Jan 26, 2021 @ 20:10
By

LeBron tinabunan dating koponan

Nakipagpukpukan ang Cavaliers, pero umalis ng Cleveland ang Lakers na bitbit ang isa pang road game win Lunes ng gabi sa bisa ng 115-108 victory kontra Cavaliers.

Walang Black Mamba jerseys ang Lakers sa unang taong aniberasyo ng kamatayan ni Kobe Bryant.

Hiniling din ni Vanessa Bryant na huwag munang magbigay ng tribute sa asawa ngayong taon pero hindi napigil ang Cleveland. Bago ang tipoff ay nagbigay ng video tribute ang Cavaliers para sa Black Mamba.

“One year ago, the NBA Family lost an all-time great. Tonight, we celebrate his memory,” panimula ng 2-minute video.

Pinagdiinan ni LeBron James ang homecoming sa Cleveland, pininturahan ang stat sheet ng 46 points, 8 rebounds, 6 assists, 2 blocks at 2 steals para ihatid sa pang-10 sunod na road game win ang LA.

Mula sa field ay 19 of 26 ang The King, 7 for 11 sa 3s.

May double-double na 17 points, 10 rebounds si Anthony Davis, 15 kay Montrezl Harrell at tig-10 sina Dennis Schroder at Kentavious Caldwell-Pope sa league-leading Lakers na umangat sa 14-4.

Pagkatapos ng three ay kumakapit pa ang Cavs, nakadikit 90-89 pero naubusan sa final 12 minutes nang ma-outscore 28-19.

Nam-bulldozer ng 25 points at 17 rebounds si Andre Drummond para panatiliin sa laro ang Cleveland. May 20 points si Cedi Osman at 17 markers, 6 feeds kay Collin Sexton.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?