9

Oct 27, 2020 @ 15:14
By

LeBron tatablahin NBA start kapag Disyembre

Paniguradong hindi makikita si LeBron James sa aksyon kapag tinuloy ang balak ng NBA na muling buksan ang mga laro sa Disyembre.

Ayon sa kanyang Lakers teammate na si Danny Green, karamihan sa kanilang koponan ay mga beterano na, at kailangan ng mas mahabang pahinga matapos ang kanilang championship stint sa nagdaang NBA bubble.

Kaya naman tingin nito’y karamihan sa kanilang koponan ay dededmahin ang mga laro kung sisimulan ito ngayong taon.

“If we start in December, I think most guys [are like] ‘I’m not going to be there… to have that quick of a restart, I wouldn’t expect [LeBron] to be there for the 1st month of the season,” saad ni Green sa panayam sa The Riger.

December 22 ang target ng NBA para sa pagsisimula ng 2020-21 season, ibig sabihin ay lampas dalawang buwan lang ang magiging pahinga nina LeBron pati ng Miami Heat sakaling matuloy ang plano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?