163

Nov 27, 2021 @ 11:22
By

LeBron suka ng $15K sa ‘bayag dance’

Pinagmulta ng NBA ng $15,000 o mahigit P757,000 si Los Angeles Lakers forward LeBron James.

Ito ay matapos niyang ipagmalaki na mayroon siyang malalaking bayag – sa pagsasagawa ng “big balls dance” kontra Indiana Pacers.

Nangyari ang “big balls dance” ni James may 1:21 natitira sa fourth quarter sa laban ng Lakers kontra Pacers noong Nov. 24 sa Gainbridge Fieldhouse.

Abante ng tatlo ang Lakers, 107-104, hawak ni James ang bola, biglang huminto at tumira ng malayong tres – swak sa ring ang kanyang 3-pointer kaya napaindak siya ng “big balls dance”.

Bukod sa multa para sa kanyang “obscene gesture”, winarningan din si King James laban sa paggamit ng mga bastos na salita sa harap ng media.

Kaugnay ito sa naging komento niya sa panayam ng ESPN na “some bullshit” aniya ang one game suspension sa kanya nang sikuhin si Isaiah Stewart.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?