24

Nov 29, 2021 @ 16:36
By

LeBron, Stewart ‘di na nag-away, Lakers wagi pa rin

Naging payapa na ang bakbakan sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Detroit Pistons ngayong Lunes ngunit nanaig pa rin ang tikas ng Lakers, 110-106.

Sa pagkakataong ito, hindi na na-eject sa laro si LeBron James at binuhat ang Lakers sa kanyang 33 points, limang rebounds at siyam na assist.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay tinamaan ng kamao ni James si Isaiah Stewart dahilan para ma-eject ito sa naturang laban, kung saan ang Lakers din naman ang nanalo.

Sumuporta kay James si Russell Westbrook sa kanyang 25 points at siyam na assist, habang may 24 points at 10 rebounds si Anthony Davis.

Bumida naman para sa Pistons si Jerami Grant sa kanyang 32 points.

Samantala, tahimik ang naging laro ni Stewart at tumapos ng may limang puntos at anim na rebound. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?