88

Dec 1, 2021 @ 21:39
By

LeBron sapol ng COVID

Nagpositibo sa coronavirus si Los Angeles Lakers star LeBron James.

Ayon sa Anadolu Agency report, noong Martes ipinaalam sa NBA management ni coach Frank Vogel ang kalagayan ni James.

Inayos nila ang sasakyan ni James pabalik sa Los Angeles mula sa Sacramento.

Dahil dito, sampung araw mababangko si James maliban kung dalawang beses magne-negative sa swab test sa loob ng 24 oras.

Si James ang ika-17 player na pumasok sa health and safety protocols ng liga.

Kahit walang James nitong Martes, nalampaso naman ng Lakers ang Sacramento Kings, 117-92.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?