24
views

By

LeBron sa ‘Space Jam 2’ lalarga sa 2019 o 2020

Sharing is caring!

Susundan ni superstar LeBron James ang yapak ni NBA ‘Greatest of All-Time’ Michael Jordan sa kanyang napipintong pagbibida sa Space Jam sequel.

Napapabalitang tatapusin lang ng four-time league MVP ang drama ng free agency period bago ilabas ang trailer para sa animated basketball-themed movie.

Unang nagpakita ng interes si James na muling buhayin ang prangkisa ng Space Jam mula pa noong 2012 at mukhang maisakaaktuparan na ito.

Taong 1997 pa lumabas ang unang Space Jam na naging patok sa mga 90s baby na mahihilig sa basketball. Kasama rito ni Jordan ang mga Looney Tunes character kalaban ang mga bruskong ‘Monstars’ sa isang basketball match.

Tinatayang 2019 o 2020 ang release date ng Space Jam 2 na ipo-produce ng Warner Bros. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?